Ano nga ba ang wika sa iyong
opinyon ? ito ay isang lenggwahe, dahil sa wika tayo ay
nagkakaintindihan, nagkakausap at iba pa . Ngunit marami pa bang
kumikilala sa ating wka ? Ikaw, pinapahalagahan mo ba ang wika ?
Kailangang pahalagahan natin ang ating wika. Kung ito ay papahalagahan natin ang ibig sabihin minamahal natin ang ating wika. Ang wika ay importante sa lahat. Dahil kapagwalang wika o maraming wika paano tayo magkakaintindihan?
Pakiramdam ko hindi na napapahalagahan at minamahal ng mga Pilipino ang ating wika. Madalas ng nagsasalita ang karamihan ng "taglish" lalo na ang mga kabataang katulad ko. Gayunpaman ito'y pinapahalagahan ko. Hindi ko naman sinasabi na huwag magsalita ng ibang lenggwahe , kung hindi ay unahin muna ang sariling wika.
Kahit anung lenggwahe ang alam ko , uunahuin ko pa rin ang sarili kong wika upang kahit tulad ko napapahalagahan ko ito. Sana'y maraming mga kabataang tulad ko ang mahumaling na gumamit ng sariling lenggwahe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento